Taksil
May boyfriend na nu’n si L pero nang makilala niya si M on their first day as freshmen UST students, pero nakuha niya agad ang number nito. A week after, tinawagan ni L si M. “Samahan mo’ko sa General Assembly natin, please.” Ngayon, eight years na silang together. L insists hindi siya ang nanligaw, that it was just an innocent phone call (may boyfriend nga naman siya at that time), but that debate is now moot and academic. Ikakasal na sila M and L next week. Nang nakilala ko sila, “M and L” na sila so wala naman akong simpatiya sa nameless, faceless ex-bf ni L.
Matagal na ring mag-on sina N at R. Pero nang unang magkita si N at ang ka-hangout ng kanyang boyfriend na si A, they were, and I’m quoting N, “instantly smitten.” Innocent dates followed, at eventually, nakipag-break si N sa kanyang boyfriend…Fast to present times, two weeks from now, host pa’ko sa kasal nina N at A. Nakilala ko man ang ex-bf ni N nang sila pa, mas close naman ako kay N, kaya deadma na.
Nu’ng isang gabi, nag-e-emote si A. Thirteen years old pa lang siya nang makilala ang kanyang girlfriend of 6 years! At nang mag-Law School si girl, bigla na lang nanlamig ito. Ikinuwento pa ni A ang mga masasakit na tell-tale signs na na-feel niyang may iba na ang kanyang mahal. Ang sakit-sakit-sakit! Though by all accounts my heart should really pour out to my friend A, sa huli hindi ko pa rin siya lubusang madamayan. Kasi hindi siya umiinom…
Some lifestyle choice bullshit na nag-uugat pa man din sa isang high school promise niya sa kanyang mahal (yes, the one who dumped him unceremoniously for another guy) na hindi sila iinom. Ang hirap palang makinig sa problema ng hindi laseng.
Actually ang sa buong blog na ito, ito lang ang gusto kong tumbukin. Naisipan ko na lang kaninang idagdag ‘yung “pagtataksil” stories ng mga apparently successful lovelives ng mga kaibigan ko para hindi naman ako magmukhang lasenggong mababaw ang turing sa pagkakaibigan. Pero, seriously, dalawang araw na
ng nakalilipas since A’s pouring his heart out to us, it still bothers me na hindi siya uminom. Kahit na tipsy na kaming lahat, butting in with jokes para hindi siya masyadong ma-depress habang nagkukuwento, kahit tawa na kami nang tawa nina Erika, Kaye, at Aime, hindi pa rin siya uminom. Kahit seryoso na siyang kinakantiyawan ni Ronnie na, “Uminom ka na. Kahit isang sip lang. Kahit ‘yun na lang ang bayad mo sa mga tao rito na nakikinig sa’yo.” Hindi pa rin uminom si Andrew. Bakit ko pa nga ba itatago ang pangalan niya, eh, hindi n’yo naman siya kilala? HINDI TALAGA SIYA UMINOM!
“Pakikisama”, a fascinating aspect of Filipino culture, is now much maligned kasi naa-associate siya sa nepotism, sa corruption, sa bending the rules, sa turning a blind eye sa mali ng mga kakilala…Pero sa case na’to, ano ba naman ang panandalian mong kalimutan ang anumang lifestyle choice o a promise made to a disloyal lover para lang makisama sa mga taong nakikisama sa pagdadalamhati mo?
So sa mga susunod na mangangailangan ng shoulder to cry on, ears to listen, available ako. Kahit KKB pa! Basta lang uminom ka rin! Makisama ka naman!
November 18th, 2008 at 7:14 pm
This site is unreal I can’t believe its completely free, it is so easy to do you won’t believe you are getting paid to do it!! I made 20 bucks in my first half hour of work! They will also pay you daily they are the only site that pays out daily. Check em out ..
http://classofcashbrvqcb.blogspot.com
November 24th, 2008 at 11:48 pm
actually may friend din akong taksil pero naiintindihan ko sya dati ang pananaw ko sa pagiging taksil ay isang malaking kasalanan pero depende din sa sitwasyon marami din dahilan ksi kung bkit nangyayari yun ..pero sa totoo lang lahat tyo ayaw natin mgtaksil pero npipilitan tyo dahil sa sitwasyon
April 19th, 2009 at 11:25 am
taksil??nangyari na sa akin yan,2 tyms pa,d ako ang nagtaksil ako ang pinagtaksilan.i’ve love them more than myself,i gave my ol,pro sakit lng napala ko..but i moved on,gya ng sabi mo,naglasing din ako,pra panandalian ko makalimutan ang sakit,pro kinaumagahan,d lng sakit ng “HART ang naramdaman ko,sakit pa ng ulo sa HANG_OVER!!d solution ang alak,kundi ang acceptance na ur not meant to each other talaga..
April 19th, 2009 at 11:33 am
actualy,after 2 tyms na nabigo ako,i promised 2 myself na huever guy na magpropose ulit sa akin ng kasal tatangapin ko kahit d ko mahal coz i believed na it’s beter to be w/ d person hu loves u mor dan u loved him pra kah8 magtaksil xa d kana iiyak,now married na ako 2 a gud guy but d ko naman mahal,1st i thot ok lng un ma222nan ko rin xa mahalin,until i met sum1..nagkaroon kmi ng relasyon at nagtaksil narin ako sa guy na pinakasalan ko,so i think im one of those hu hurt me in da past..i hate me,,but u cant blame me,im just inlove!!!